Sunday, January 29, 2012

de-cluttering : featuring Tali Beach

Naglilinis ako ng laptop when I came across these Tali Beach pictures. Naku! miss ko na dito, and I want to go back at the soonest possible time. Bakit ko ito pinost? Well.. anniversary ngayon ng pagpunta namin sa Tali. :)



Sunday, January 22, 2012

booked!

Confirmed! My next trip will be after my birthday this year! Super excited na ako for this new adventure.. different country and a different companion! Next stop, the home of Mickey Mouse in South East Asia... Hong Kong! woot woot!

Thursday, January 19, 2012

green design

Sasali ako sa isang environmental design/ photography contest sa company namin. Aminado naman ako na hindi ako photographer, kahit Comm Arts grad ako, wala talaga akong makitang istorya sa mga larawan ko.. bilib ako sa iba.. sana ganun din ako. Kaya ng makuha ko ang kauna-unahan kong DSLR (may SLR na ako dati, yung oldschool na film ang gamit) sinusubukan ko na makakuha ng magagandang larawan. Sa tingin nyo, papasa na ba ang mga kuha ko?

"Untouched"
Anguib, Sta. Ana, Cagayan * April 2011

"Walking On Water"
Nuvali, Sta. Rosa, Laguna * May 2011

"Dead-End"
Anguib, Sta. Ana, Cagayan * April 2011

"Bloom"
Centennial Gardens, Sta. Rosa, Laguna * November 2011

"Showers"
Imelda Falls, Majayjay, Laguna * April 2011

"Sundays"
Nuvali, Sta. Rosa, Laguna * May 2011

"Squirt"
Lucban, Quezon * May 2011

"Bird's Eye View"
Ifugao, Mountain Province * November 2011

"Drifted"
Tali Beach, Batangas * January 2011

"Emo"
Tali Beach, Batangas * January 2011

"Serenity"
Tali Beach, Batangas * January 2011

Saturday, January 7, 2012

quote for the day : 20120107

Noong nagtatrabaho ako sa Alabang, lagi kong kinukulit ang mga officemates ko with my quote for the day, and everyday inaabangan nila yan. At mula ng magresign ako sa CTOM, natigil na din ang kanilang daily supply of quotes... pero heto na ulit ako, nagbabalik.. and dito na mababasa ang mga quote/s na pinapagpasa-pasahan sa mga social networking sites.

Sunday, January 1, 2012

ang aking 2011

2012 na! Happy New Year everyone!

Kapag ganitong panahon, ano ang madalas nating napapanood sa telebisyon? Kadalasan kapag bagong taon, puro "a look back on the year of ----" ; highlights ng taon ang tema ng mga palabas kaya eto naman ang aking bersyon ng A LOOK BACK ON MY 2011

JANUARY


Photo Courtesy of Arch. Nestor P. Jardeleza

Photo Courtesy of Arch. Nestor P. Jardeleza

Eto ang kauna-unahan kong out-of-town gala with CTOM peeps. Wish ko lang na sana hindi ito ang huli. Na-enjoy ko talaga ang time na ito na makapag-unwind mula sa work, after almost 3 months na preparation ng outing na ito. As of this writing, wala pa rin kaming part 2 ng weekend get-away na gaya nito... considering 5 months ago pa pinaghahandaan ang part 2 nito.


Photo Courtesy of Sheryl Lontok

Also, January din namin ginanap ang reunion ng aking high school tropa. Tradition na namin ito.. at kasama sa tradition ang bottomless iced tea. Excited na nga ako sa susunod na get2geder namin e.

FEBRUARY

Ito ang buwan ng mga puso, pero sa tuwing sasapit ang buwan na ito, parang nauulit lagi yung sakit.. Pebrero 2006 ng iniwan kami ng aking kapatid at bumalik sa kanyang May Likha. And every year, ganun pa din kasakit..


Ecathrene M. Balagso
August 2, 1984 ~ February 26, 2006

MARCH

Marso ng mamaalam si(paternal) lolo.. masakit isipin na ang pamilya ay kadalasang nagkakasama kapag may pumanaw na silang mahal sa buhay.


Paalam lolo.. till we see each other again. Gabayan nyo po kami ni Eca.

APRIL

Sino ba naman ang hindi maeexcite pag birthday month mo? Ako HINDE! Excited ako lagi tuwing April. Kahit walang espesyal na handaan o gala, masaya ako pag April. At mas masaya ako kase after yung mangyari bago mag-birthday ko noon 2010, alam kong mas okay na ako.. in short wala ng mga panget na makakapagpasira ng birthday month ko.

Madaming nangyari ng buwan ng Abril sa taong 2011. Umuwi kami ng Cagayan for the commemoration of lolo's 30 days after his death. Oo, alam namin na dapat ay 40 days, pero dahil umaabot ng 14 to 16 hours ang biyahe namen, napagdesisyunan nina papa at kanyang mga kapatid na sa ika-30 araw nalang umuwi.

At dahil tumapat sa holy week ang 30 days ni lolo.. marami kaming adventure.

Una, unang beses kong maranasang mag-Visita Iglesia sa Cagayan at nakakatuwang ma-experience ang holy week doon.


Binista din namin ang Magapit Suspension Bridge na paborito kong puntahan noong bata pa ako.


At ang pinaka-exciting sa lahat.. ang pag-se-celebrate namin ng birthday ko, ni Cedie at ni Ryan sa Anguib Beach.. the Boracay of Cagayan.


Abril din ng mamasyal ako sa Majayjay, Laguna at makita ang sikat na sikat na Imelda Falls.


Astig ang April ko di ba?

MAY

Sa mga Tagalog, ano ba ang madalas na sineselebra kapag buwan ng Mayo? E di ang Pahiyas. At ito ang ikalawang taon ng pag-join ko sa Pahiya celebration sa Lucban, Quezon.


Salamat Ms. Leah Babista and Family for always accomodating us.

JUNE

Eto ang pinaka-weird na buwan sa akin.. bakit? Dahil sunud-sunod na nagresign ang mga friends ko sa CTOM... si Emsy, si Franz (na later on e ni-retract), si Momi Cielo, at hindi nagpahuli si Trisha.

JULY

At dahil nag-resign na si Trisha, ibig sabihin ay bagong kasama.. si Bangs o si Madeth.

AUGUST

Kung February ang birthday ng kapatid ko sa langit, August naman ang birthday nya dito sa lupa.


Happy Birthday Ecathrene! Muwahugs!

SEPTEMBER

September ang pagbabalik ko sa paglalaro ng trivia sa IRC. Hobby ko ito noong college at masaya ako na ginagawa ko ito ulit kase ang dami kong natututunan.


September din ng ako ay magbakasyon sa Singapore. Hindi ko na muna idedetalye ang bakasyon ko doon, ibang blog na entry nalang yun.. tutal hindi ko pa naman yun nagagawan ng post.


OCTOBER

Officially, sa month ng October ako nagstart sa bago kong work.. at bagong company.

NOVEMBER

Eto ang panahon ng pagalala sa mga mahal natin sa buhay na nauna na sa tahanan ng Diyos. Exciting ang November sa amin dahil sa mga free concerts na ginaganap sa Centennial Gardens. Too bad nga lang at napakatagal magsimula, hindi na namin naintay ang Rivermaya.

Nobyembre din ang aming night with Hanada at ISO Re-cert audit.

DECEMBER

Unang Christmas Party ko ito with NDP.. at dahil hindi ko type ang itsura ko noong party, eto nalang ang aking after party look na paulit-ulit kong pinopost dahil.. proud ako na maganda ako sa pic na ito. hahaha!


Ayan ang aking 2011. Looking forward sa 2012! :)







first post for 2012


Dahil walang pasok, walang magawa kaya FB maghapon... at kadalasan hanggang magdamag. Share ko lang ang isa sa mga pinaka-unang quote na na-touched ako and sabi nga ng isang kaibigan ko ay... "tagos sa buto."