Sakto 5:30 pm, pag ring ng bell na signal na uwian na.. isa-isa na kaming nagligpit. Pano ba naman.. Biyernes e! Huling araw ng trabaho para sa linggo.. bukod sa excited kami sa gimik, at mas excited kami dahil ito ay... LIBRE. Hehe. Medyo nagkagulo pa kung saan kami sasakay.. alam mo naman tropa-tropa, kaya ayaw maghiwahiwalay sa kotse. Traffic din ang byahe kaya ang iba nakatulog na.. pero pagdating sa venue.. hayun! Gising na gising!
Videoke-ng walang patumangga at tuloy-tuloy na pagtagay kay Mang Jose (Jose Cuervo).. sa totoo lang, na-miss ko ang magpakalasing. Ewan ko ba, marami kasi akong iniisip nitong mga nakaraang araw kaya medyo okay ang gabing ito para makapagrelax.
Marami akong nadiscover... gusto nyo isa-isahin ko? Initials nalang ang gagamitin ko ha.. baka kase ma-search nila ang pangalan nila sa google.. lagot ako. :)
- MG - favorite pala nya si Lady Gaga at VST and Co. ..ikaw na ang solong bumabanat ng Paparazzi at Poker Face
- MD - ikaw na ang tuloy-tuloy ang pagtagay.. pero una pang nahihilo. lol
- JM - kasama ni MD sa pagtagay.. borlogs na habang nagsasayawan pa ang iba. Mahina pala itong batang ito sa inuman.
- LH - cute nyang sumayaw.. ang galing nilang pumili ng playlist.. wala talagang upuan.
- MP - kapag rap ang kanta.. sakin nya pinapasa... salamat at pinabanat mo ako ng Super Bass at Love The Way You Lie
- AJ - game din pala ito.. bigla nga lang nawala.
- RR - spongecola ang dating.. walang pinagkaiba sa boses ni Yael
- RDC - pag medyo lasing na pala ito.. nakikigulo na din with the girls..
- PP - magaling manggulo... mahina sa inuman. kauna-unahang nagtawag ng uwak.
- AA - ayoko na syang maging tanggera.. ang taas ng tagay. mahina din sa inuman.. borlogs din.
- MP - pag nakainum na.. lumalabas ang talent.
- TS - makulit.. magulo! pero hindi kinaya ang energy ng girls.
- RM - adik sa videoke.. nangunguna sa pagagaw ng mic.
- GDR - halakhak mate ko.. kasama kong baliw-baliwan.
- JC - maaga yatang nalasing ito. mahina tolerance sa alak.
- RR - adik din pala ito sa videoke.. hindi nga lang sanay sa inuman.
- JLM - memorize ng batang ito ang PBB dance
- JS - concert queen! pag ayaw mong kumanta ipasa mo sa kanya ang mic.
After ilang oras, dinner, 2 baso ng iced tea, 1 baso ng tubig, countless songs, 10++ na shot ng tequila, walang katapusang sayawan, at halakhakan.. nag-enjoy ako! Looking forward sa susunod na night with the president. Excited na din ako sa Monday para makita ang pichures! I hope I can get a copy.. at ip-post ko dito.
For now.. hindi pa ako nakaka get over from last night. I will still be sleeping tired.. but with a smile! :)