Saturday, December 31, 2011

my resolution


this will be short and simple.

Every year and every time maiisip ko, sabi ko eto ang gagawin ko, at heto na naman ako. Sabi ko sa sarili ko na lagi akong mag-uupdate sa blog ko. Sana matupad ko na ito.

Happy New Year Everyone!

Photo was taken during my vacation last September 25, 2011 at Marina Bay Sands, Singapore.
This was during the closing ceremonies of the F1 Grand Prix held at the Marina Bay Street Circuit.

Wednesday, December 14, 2011

after the party look


Kahit gustong-gusto ko magkuwento ngayon sa blog, kaya lang nakakabuwiset itong internet connection ko... napakabagal. Sa susunod nalang ako magkukuwento.. kaya for now.. eto ang aking after the party look. Yan ang itsura ko after ng Christmas Party namin.. hindi na masama diba?


Nakakaaliw kase milagroso yung nag-make up sakin. Biruin mo napalaki nya ang mala-alkansyang mata ko.. at love ko na talaga ang false eye lashes.. pwede kayang magpa-implant nyan?

Friday, December 9, 2011

pahabol na wento

Share ko lang, last December 7, 2011 nasabitan yung kotse ko habang nananahimik sa parking lot. Kwento ko sa inyo next time, lalo na pag nakuha ko yung pictures. Ang mahalaga, this time.. hindi ako ang salarin.

excuses... echuses...

Makalipas ang ilang araw, ngayon lang ulit ako nakapag-blog... paano ba naman, matapos ang huling blog ng lola nyo e busy-busy-han na ang beauty ko. November 19 ang huling blog post ko, and yung week after ng post na yan ay surveillance audit namin sa ISO. At bilang isang likas na nerbyosa.. hayun, natataranta. Everything went well naman after, we got the certification and by next year, kailangan ng magprepare sa re-certification.

Yung shift naman ng last week ng November to the first week of December ay pasahan naman ng job targets, na makailang ulit namin ni-revise. Buti nalang at mabait ang boss namin na inaalalayan nya kami in doing it.. kung hindi, mapapamura ka talaga sa hirap nyang gawin. Hindi ito exage ha! Galing yata kase sa head office yung format kaya ang hirap intindihin. Nasabi ko na nga lang sa sarili ko na "...ay sya sige.. wala nalang akong target!" lol! At matapos ng makailang revision.. okay na.

At mamayang gabi naman ay Christmas Party na! Tapos ko na ang bucket list ko for that, invitations and backdraft, except one thing, yung video presentation na ippresent mamayang gabi.. which is kahapon lang namin nasimulan. Kalurkey! Sabi ko nga kay Sir Red, "Sir, kelangan natin tapusin ito, kundi.. tapos tayo kay mam. Wag na kaya tayong umattend ng party" ..with evil grin. Hehehe.

Ay sya! Sige.. hanggang sa susunod nalang, nagiimpake pa ako, at kelangan pang pumasok ngayong umaga... at pag sinuswerte ka nga naman.. maulan pa dito hanggang Tagaytay, sana lang hindi kami basang sisiw mamayang gabi. Wish us luck!

Saturday, November 19, 2011

videoke at alak!

Ilang araw din akong hindi nakapagsulat ng blog... medyo busy. Ilang araw din akong pumupunta ng Quezon City pagkatapos ng trabaho, except last Friday night (kagabi), dahil sa Makati naman ako dumiretso... para gumimik with office mates.

Sakto 5:30 pm, pag ring ng bell na signal na uwian na.. isa-isa na kaming nagligpit. Pano ba naman.. Biyernes e! Huling araw ng trabaho para sa linggo.. bukod sa excited kami sa gimik, at mas excited kami dahil ito ay... LIBRE. Hehe. Medyo nagkagulo pa kung saan kami sasakay.. alam mo naman tropa-tropa, kaya ayaw maghiwahiwalay sa kotse. Traffic din ang byahe kaya ang iba nakatulog na.. pero pagdating sa venue.. hayun! Gising na gising!

Videoke-ng walang patumangga at tuloy-tuloy na pagtagay kay Mang Jose (Jose Cuervo).. sa totoo lang, na-miss ko ang magpakalasing. Ewan ko ba, marami kasi akong iniisip nitong mga nakaraang araw kaya medyo okay ang gabing ito para makapagrelax.

Marami akong nadiscover... gusto nyo isa-isahin ko? Initials nalang ang gagamitin ko ha.. baka kase ma-search nila ang pangalan nila sa google.. lagot ako. :)

  • MG - favorite pala nya si Lady Gaga at VST and Co. ..ikaw na ang solong bumabanat ng Paparazzi at Poker Face
  • MD - ikaw na ang tuloy-tuloy ang pagtagay.. pero una pang nahihilo. lol
  • JM - kasama ni MD sa pagtagay.. borlogs na habang nagsasayawan pa ang iba. Mahina pala itong batang ito sa inuman.
  • LH - cute nyang sumayaw.. ang galing nilang pumili ng playlist.. wala talagang upuan.
  • MP - kapag rap ang kanta.. sakin nya pinapasa... salamat at pinabanat mo ako ng Super Bass at Love The Way You Lie
  • AJ - game din pala ito.. bigla nga lang nawala.
  • RR - spongecola ang dating.. walang pinagkaiba sa boses ni Yael
  • RDC - pag medyo lasing na pala ito.. nakikigulo na din with the girls..
  • PP - magaling manggulo... mahina sa inuman. kauna-unahang nagtawag ng uwak.
  • AA - ayoko na syang maging tanggera.. ang taas ng tagay. mahina din sa inuman.. borlogs din.
  • MP - pag nakainum na.. lumalabas ang talent.
  • TS - makulit.. magulo! pero hindi kinaya ang energy ng girls.
  • RM - adik sa videoke.. nangunguna sa pagagaw ng mic.
  • GDR - halakhak mate ko.. kasama kong baliw-baliwan.
  • JC - maaga yatang nalasing ito. mahina tolerance sa alak.
  • RR - adik din pala ito sa videoke.. hindi nga lang sanay sa inuman.
  • JLM - memorize ng batang ito ang PBB dance
  • JS - concert queen! pag ayaw mong kumanta ipasa mo sa kanya ang mic.
After ilang oras, dinner, 2 baso ng iced tea, 1 baso ng tubig, countless songs, 10++ na shot ng tequila, walang katapusang sayawan, at halakhakan.. nag-enjoy ako! Looking forward sa susunod na night with the president. Excited na din ako sa Monday para makita ang pichures! I hope I can get a copy.. at ip-post ko dito.

For now.. hindi pa ako nakaka get over from last night. I will still be sleeping tired.. but with a smile! :)

Tuesday, November 15, 2011

the writer wanna-be in ME

Simula pagkabata napuno na ako ng pangarap... paiba-iba, pabago-bago. Pero if there is one thing constant.. that is, hindi ako napapagod mangarap. Sa salitang kabaklaan.. AMBISYOSA ako.

Nangarap akong maging isang doktor, scientist, astrologist, chamber maid, cashier, hotel receptionist at maging isang writer. At sa lahat ng ito, nakahiligan ko ang pagsusulat. Mga simpleng tula, simpleng kwento, simpleng dayalogo at dumating pa sa pagkakataon na ang aking sinulat ay naging isang kanta. Maraming salamat sa kaklase kong si Muffins noong 1st year High School dahil siya ang naglapat ng musika sa aking tula na nabuo dahil sa isang "heartbreak" sa aking "puppy love."

O how I miss you so, and I'm sure you know...
That the right time will come and we'll meet again
And be together for the rest of our lives.

Yan ang lyrics ng aking ginawang tula na nilapatan ng musika. Ang lyrics ay malalim na para sa isang trese anyos na nakaranas ng kanyang first heartbreak. Hindi ba't ganyan naman talaga kapag puppy love? Feeling mo forever na.. tapos.. hindi pala. And after ilang years matatawa ka nalang sa kababawan mo.

Pag-ibig ang laging subject ng aking mga ginagawa. Karamihan, random thoughts, spur of the moment. Karamihan, dulot ng heart ache. Gaya nito...

hush now my heart....
aren't you tired?
tired of falling...
falling inlove...
inlove with the wrong one...

hush now my heart...
aren't you tired?
you have been hurt before
haven't you learned?

hush now my heart...
hush now...

Pero pagod na ako sa mga ganitong paksa. Naging ganito din ang mga subject ng nakaraan kong blog. Mabigat sa dibdib.. nagiging labasan ng problema. Likas akong masayahing tao, kaya sa mga sinusulat ko nailalabas ang mga kwentong nakakapagpabigat sa dibdib ko.. pero ang gusto ko iba naman. Gusto ko na kapag nabasa nila ang mga sinulat ko, mapapangiti sila ng hindi nila nalalaman. Gusto kong maalala nila ang pagiging masayahin ko.

Kaya heto ako, bagong blog.. bagong konsepto. Na-inspire ako sa mga nabasa kong kwento ni Sid (ayoko ng sabihin ang tunay na pangalan). Masaya ang kwento ng kanyang mga karanasan. Gusto ko ng ganon. Kaya sa mga mahilig magbasa ng walang kwentang bagay.. mahilig magbasa sa mga kwentong pang-araw araw, heto ang blog ko.

At ang kwento ko ay nagsisimula dito.

Ang Ulan at ang aking Dress.. bow!

Ang sabi nga nila "walang basagan ng trip," at dahil dyan naisipan kong mag-suot ng dress kahapon. Big deal yun, dahil sa gaslaw kong magkikilos ay talaga namang "limited edition" ang pagsusuot ko ng dress. And with complete accessories pa yan ha! Corporate kung corporate ang drama.. with matching black stockings pa yan and heels.

Sabi ng tatay ko, huwag ko na daw dalhin ang kotse.. ihahatid na nya ako papuntang work. Syempre naman tuwang tuwa ako. May nalimutan nga lang syang sabihin... hatid lang neng, hindi ka susunduin.. patay!

Eto na ang kinatatakutan.. biglang umulan ng bonggang bongga.. yun tipong damang dama mo ang galit ng langit. Kaya ang babaeng tuwang-tuwa sa bestida nya ng umaga, ay umuwing parang BASANG SISIW.

Lesson for the day : HUWAG MAG-DRESS PAG WALA KANG DALANG KOTSE

Sunday, November 13, 2011

Pacman vs. Marquez

By this time, marami pa din ang hindi nakaka-move on sa tinamong panalo ni Pacman sa laban niya with Marquez. Marami ang kumukwestyon sa panalo.. marami ang hindi makapaniwala at aaminin ko na isa ako sa mga hindi natuwa sa naging desisyon ng mga hurado.

Siguro marami ang maniniwala na talagang prepared si Marquez sa laban nila ni Pacman. Kumbaga, dinala nya ang bala nya.. at kitang kita na pinaghandaan nya ang laban. Pero sa totoo lang, kahit hindi ako agree sa desisyon ng mga judges o sa resulta ng laban.. wala akong magagawa, hindi naman ako o ikaw ang judge, kaya tanggapin na natin ito.

He might won a controversial win.. he is still the winner. Congrats Pacman!

And congrats Marquez for giving Pacman a good fight!

at sa mga nagdududa sa desisyon.. eto lang ang masasabi ko, this is an RT/RP from @margoshake :
"Today I'm proud that I'm a Filipino. Not because Pacquiao won but because I saw how the Filipinos judged fairly."

Saturday, November 12, 2011

Pinoy Henyo

Iba talaga ang Eat Bulaga kapag nagpa-uso, at hindi ito nakakapagtaka dahil bumilang na din sila ng napakaraming taon sa telebisyon. Marami na silang pumatok na pauso at isa na dito ang PINOY HENYO.


Sa mundo ngayon ng Pinoy Television, nakakatuwang isipin na sa gitna ng napakaraming game shows na na-franchise mula sa iba't-ibang bansa, heto ang Pinoy Henyo, na isa lamang portion ng Eat Bulaga ay tumatak sa mga avid game show viewers. Simple ang mechanics, pero nakakapagturo ng maraming kaalaman. Sino ang mag-aakala na ang mga simpleng bagay sa paligid ay nabibigyan ng pansin kapag ang Pinoy Henyo na ang nilalaro. Kung tutuusin, kadalasan, madali lang naman ang mga pinapahulaan, pero hindi ba't napakahirap hulaan ang mga bagay na ito kapag ang Pinoy Henyo na ang nilalaro mo?



Habang sinusulat ko ito ay nanonood kami ng Finals ng Pinoy Henyo, at kung marunong kang maglaro nito, ay tiyak na alam mo na napakahirap hulaan ang mga salitang gaya ng apron, wheelchair, sobre, elevator, charger at ang pinakamahirap sa lahat ..ang alikabok. Mga simpleng salitang pero mahirap din pala.



At hindi mo maikakaila na patok na patok ang larong ito dahil naging suki na ito ng bawat kasiyahang Pinoy, gaya ng mga outings, family reunions at iba pa. Sino ba sa inyo ang hindi pa nakapaglaro o nakakaalam ng Pinoy Henyo?



Sa mga tao na nakapag-isip ng konsepto ng larong ito ay isa lang ang masasabi ko..

ISA KANG TUNAY NA HENYO. Congrats!

ang sabi ni CheChe is born

Matagal na akong blogger at ANG SABI NI CHECHE ay aking binuo para sa aking mga opinyon sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating lipunang ginagalawan. At dahil sabado ngayon, kaya ngayon ko naisipang gawin ang blog na ito.

..buti nalang sinisipag ako.