Saturday, June 16, 2012

Paano Ko Nakilala Si Eros S. Atalia

June 8, 2012. Sa kakaiwas na makita ang taong ayaw kong makita, nagdahilan akong babalik sa exhibit sa SMX.  At dahil sa takot na baka dumaan sya sa bahay at sabihin na naman ang mga walang kapararakang bagay na sinabi niya sa text, ay niyakag kong magpunta sa SM si Jona, at ang kawawang bata na nahabag sa nakaka-stress kong sitwasyon ay nagpakaladkad sa akin papuntang SM.

Si Jona ang ka-officemate ko na halos kasabayan kong pumasok sa Nitto.. at ang nakakatuwa, marami kaming kinahihiligan na pareho.  Ilan na dito ang pagtambay sa National Bookstore, ang tumingin ng ballpen, notebook.. at higit sa lahat.. mga libro.

Sa paraang yan namin nakilala si EROS S. ATALIA.

Hindi ko itatanggi na makaagaw atensyon ang mga title ng libro nya.. natuwa kami sa titulo at dahil dun, binili ni Jona ang ikalawa, samantalang ako ay mas piniling bilin ang ikaapat. Ang usapan namin kung maganda, sabihin lang, tapos swap kami--mahirap nga naman mag-invest sa libro na hindi mo naman pala magugustuhan sa bandang huli diba?

Pero.. nabighani kami sa mga sulat ni Ginoong Eros (intro lang binasa ko), sa totoo lang nakakaintriga ito.. kaya makalipas ang isang linggo.. hindi ko pa din nababasa ang ikaapat na libro..hanggang intro pa din ako. Binili ko muna ang unang tatlo dahil gusto kong tuloy-tuloy na basahin ang kuwento ni Intoy.

Eto ang apat na libro ni Eros S. Atalia...


 



Yan ang apat na libro ni Eros S. Atalia na nakaagaw ng pansin ko... at sa wakas, nakumpleto ko na din.



...at dahil hindi ko pa nasimulan basahin, e wala pa akong maiku-kuwento.  At kapag natapos ko ito, sana sipagin din akong magsulat ng book review. :)


Saturday, June 9, 2012

greatest advice

one guy once told me...

"Don't be too hard on yourself... you are one of the most beautiful person I've ever met."