Saturday, November 12, 2011

Pinoy Henyo

Iba talaga ang Eat Bulaga kapag nagpa-uso, at hindi ito nakakapagtaka dahil bumilang na din sila ng napakaraming taon sa telebisyon. Marami na silang pumatok na pauso at isa na dito ang PINOY HENYO.


Sa mundo ngayon ng Pinoy Television, nakakatuwang isipin na sa gitna ng napakaraming game shows na na-franchise mula sa iba't-ibang bansa, heto ang Pinoy Henyo, na isa lamang portion ng Eat Bulaga ay tumatak sa mga avid game show viewers. Simple ang mechanics, pero nakakapagturo ng maraming kaalaman. Sino ang mag-aakala na ang mga simpleng bagay sa paligid ay nabibigyan ng pansin kapag ang Pinoy Henyo na ang nilalaro. Kung tutuusin, kadalasan, madali lang naman ang mga pinapahulaan, pero hindi ba't napakahirap hulaan ang mga bagay na ito kapag ang Pinoy Henyo na ang nilalaro mo?



Habang sinusulat ko ito ay nanonood kami ng Finals ng Pinoy Henyo, at kung marunong kang maglaro nito, ay tiyak na alam mo na napakahirap hulaan ang mga salitang gaya ng apron, wheelchair, sobre, elevator, charger at ang pinakamahirap sa lahat ..ang alikabok. Mga simpleng salitang pero mahirap din pala.



At hindi mo maikakaila na patok na patok ang larong ito dahil naging suki na ito ng bawat kasiyahang Pinoy, gaya ng mga outings, family reunions at iba pa. Sino ba sa inyo ang hindi pa nakapaglaro o nakakaalam ng Pinoy Henyo?



Sa mga tao na nakapag-isip ng konsepto ng larong ito ay isa lang ang masasabi ko..

ISA KANG TUNAY NA HENYO. Congrats!

No comments:

Post a Comment