Friday, September 28, 2012

Mayabang na Walang Alam : Ignorance or Stupidity?


Ano ang mas mahirap, ang lunukin ang pride at aminin na wala kang alam o panindigan nalang na oo may alam ka, kahit wala naman?  Ewan ko ba.. pero ang pananaw ko ay we are all just faceless individuals trying to prove our worth in our existence.  Kanya-kanyang diskarte.. kanya-kanyang approach… at kadalasan kanya-kanyang buhat ng bangko.. yung iba nga lang nasobrahan ng buhat.

Sa totoo lang, mainit ang dugo ko sa mga mayabang.. hindi sa hindi ko sinasabing hindi ako ganon, gaya nga ng sabi ko, kanya-kanyang approach lang yan.  Yung iba, bulgaran, while yung iba naman pa-simple lang.  Kaya ang alam ko, mayabang din ako… pero alam ko na mayabang ako sa mga bagay na alam kong may ipagyayabang ako.

photo credit : threesixfivequotes.tumblr.com

Pero ang nakakainis e yung mga taong NAPAKA-Yabang, na sobrang kayabangan nila e sa bibig nya din nahuhuli na wala syang alam.  Mabulaklak ang dila.. in short, maboka.. sagana sa daldal, kulang sa utak at gawa.  Palapad ng papel.. epal.. wala naman palang alam.

Kelan kaya lulunukin ng mga taong gaya niya ang pride.. na aminin sa sarili na hindi mo naman talaga alam ang lahat?  Ka-ignorantehan o ka-tangahan? O simpleng mayabang lang na walang alam?

No comments:

Post a Comment