Tuesday, February 10, 2015

Tagaligtas : Hustisya Para Sa #Fallen44


Wala man akong personal na kakilala sa #Fallen44 ..tuwing nakakakita ako ng larawan, makakadinig ng balita tungkol sa mga nangyari noong Jan. 25 sa Mamasapano, Maguindanao sumisikip ang dibdib ko. 

Masakit malaman na may 44 na buhay na nasayang para sa hangad na katahimikan. Masakit malaman na sa kabila ng pagbubuwis buhay ng 44, heto ngayon, nagtuturuan, nagsisisihan, ngunit sino ba ang may kasalanan? 

Saludo ako sa lider ng SAF na umaako ng responsibilidad sa kanyang 44 na tauhan.. isa kang tunay na lider sir! Dahil ang tunay na lider, ay katuwang at hindi tagamando. Dahil sayo sir, itinaas mo lalo ang respeto ko sa SAF. Dahil sayo sir, alam ko na ang 44 na komandos ay may prinsipyong matuwid dahil ikaw ang kanilang lider.

At para sa #Fallen44 isang saludo para sa inyo, para sa prinsipyong matuwid na ipinakilala nyo sa amin, para sa kapayapaang inyong hangad, SALUDO PARA SA TAGALIGTAS ..mga tunay na bayani, sa isip, sa salita at sa gawa ..dalangin ko ang hustisya para sa inyong ipinaglaban.

#JusticeForFallen44

No comments:

Post a Comment