Thursday, October 4, 2012

Para Sa Mga Pangarap Mo

source : jruud.blogspot.com


October 3, 2012. Ibinalita mo na aalis ka na.. gusto kitang sumbatan, marami akong gustong sabihin pero hindi ko magawa.. alam ko naman na yan talaga ang gusto mo. Masakit.. pero I don't have a choice but to support you.

Ang sabi mo nga, yung nangyari dati ang sumira sa lahat ng mga pangarap mo at mga pangarap mo para sa atin.  Sinira nito ang lahat.. pati yung dating TAYO.

Ngayon, unti-unti nating binubuo ulit ang lahat, eto na naman.. aalis ka na naman.. gaya ng dati, mas malayo ka nga lang.. pero bakit ngayon ang sakit-sakit.  Siguro kase dati nakapaghanda ako, nakapaghanda tayo.. pero ngayon binigla mo ako.. sa totoo lang.. hindi ko na alam ang gagawin ko.

...at habang sinusulat ko ito, bigla nalang tumutulo ang luha ko.

No comments:

Post a Comment